^

PSN Palaro

Alinsug bumida sa NU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Alinsug bumida sa NU
Na-blocked ni Bella Belen ng NU ang kill ni Shane Reterta ng La Salle sa Game 1 ng UAAP Finals.
UAAP photo

Lady Bulldogs amoy na ang korona

MANILA, Philippines — Isang kembot na lang at masisilo ng defending champion National University ang korona matapos sakmalin ang De La Salle University, 25-17, 25-21, 13-25, 25-17 sa Game 1 ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament best-of-three finals na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Hinugutan ng puwersa ni head coach Sherwin Meneses si Evangeline Alinsug na nagtala ng career-high 21 points, lahat galing sa spikes upang mapalapit sa pagsilo ng pangatlong titulo sa apat na seasons.

Ipinaramdam ng Lady Bulldogs ang kanilang ba­ngis sa unang dalawang sets, matapos makipagtulungan si Alinsug kina Mhicaela “Bella” Belen at Alyssa Mae Solomon.

Binulaga naman ng La Salle ang NU sa set 3, nang magliyab agad sa opensa ang una, nahawakan nila ang 11-point lead, 17-6 bago tinapos ang laro at makahirit ng set 4.

Pero naniguro ang Lady Bulldogs, hindi na nila pinaporma ang Lady Spi­kers, maliban kina Alinsug at Belen ay humataw din sa opensa sina Alyssa Solomon, Alexa Nichole Mata at Erin May Pangilinan.

“Yung game naman hindi natin masabi, tala­gang yung situation sa third set kailangan lang naming tanggapin then bawi ng fourth set,” ani Meneses.

Nag-ambag si Belen ng 19 markers mula sa 17 attacks at dalawang service aces para sa NU na pagkakataon nilang makuha ang back-to-back titles sa Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena.

Nirehistro ni Solomon ang siyam na puntos habang may pito at anim ang binakas nina Mata at Pa­ngilinan para sa NU, ayon sa pagkakasunod.

Tumikada naman si Canino ng 22 markers habang tumipa si Shevana Maria Nicola Laput ng 16 points kasama ang 11 kills, apat na blocks at isang service ace pero hindi pa rin sa apat para itaguyod sa panalo ang Taft-based squad.

KEMBOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with