^

PSN Palaro

Win No. 3 target ng Junior Altas

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng University of Perpetual Help System DALTA ang ikatlong sunod na panalo kagaya ng pakay ng San Sebastian College at Mapua University sa NCAA Season 99 junior basketball tournament sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Junior Altas ang Junior Blazers ng La Salle Greenhills-College of St. Benilde ngayong alas-12 ng tanghali matapos ang laro ng Staglets at ng nagdedepensang Letran Squires sa alas-10 ng umaga.

Haharapin naman ng Red Robins ang Emilio Aguinaldo College Brigadiers sa huling laro sa alas 4:30 ng hapon makaraan ang pagtutuos ng San Beda Red Cubs at Arellano Pages sa alas-2:30 ng hapon.

May magkakatulad na 2-0 record ang Perpetual, San Sebastian at Mapua para pagsaluhan ang liderato.

Tinalo ng Junior Altas ang Lyceum Junior Pirates, 89-75, at ang Brigadiers, 93-85, para sumosyo sa unahan ng team standings.

Yumukod naman ang Junior Blazers sa Red Robins, 73-89, para sa kanilang 0-2 baraha kagaya ng dala ng Junior Pirates at Jose Rizal Light Bombers. Bubuksan ng laro ng Lyceum at Jose Rizal ang mga aksyon sa alas-8 ng umaga.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with