^

PSN Palaro

Gilas Final 12 para sa World Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas Final 12 para sa World Cup
Ang Gilas Pilipinas Final 12 na pangungunahan nina Utah Jazz star Fil-Am star Jordan Clarkson at ng mga higanteng sina Kai Sotto, June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.
FIBA basketball

MANILA, Philippines — Dadaanin sa takbuhan ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 2023 FIBA World Cup matapos ilabas ni coach Chot Reyes ang kanyang Final 12 kahapon.

Pamumunuan ni NBA star Jordan Clarkson ang Nationals kasama sina 7-foot-3 Kai Sotto, six-time PBA MVP June Mar Fajardo, Dwight Ramos, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, AJ Edu, Kiefer Ravena, CJ Perez, Roger Pogoy at Rhenz Abando.

Isusuot ng 31-anyos na si Clarkson, ang 2021 NBA Sixth Man of the Year para sa Utah Jazz, ang Pilipinas jersey matapos noong 2018 Asian Games Games at 2022 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Makakatuwang ni Clarkson sa backcourt sina Perez, Ramos, Thompson at Ravena habang nasa gilid naman sina Pogoy, Malonzo at Abando.

Pupuwersa sa shaded lane sina Sotto, Fajardo (6’10), Aguilar (6’8) at Edu (6’10) na nakatambal ni Sotto sa 2019 FIBA Under-19 World Cup.

Wala sa Final 12 ni head coach Chot Reyes sina Chris Newsome, Ray Parks, Calvin Oftana at Thirdy Ravena.

Unang lalabanan ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic bukas ng alas-8 ng gabi sa pagdribol ng 2023 FIBA World Cup sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang Group A ay binu­buo ng World No. 40 Pilipinas, No. 10 Italy, No. 23 Dominican Republic at 41 Angola.

Matapos ang Dominican Republic ay haharapin ng Gilas Pilipinas ang Angola sa Linggo at ang Italy sa Martes na kapwa idaraos sa Smart Araneta Coliseum.

Hangad ng Gilas na maging best Asian team sa kanilang grupo para ma­kasikwat ng puwesto sa 2024 Olympic Games sa Paris.

FIBA WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with