^

PSN Palaro

Samboy Lim

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nag-celebrate si Samboy Lim ng kanyang 61st birthday last April 1.

Tahimik pero meaningful. Nandoon ang mga family members, former teammates at closest friends.

Nine years na ang lumipas mula nang ma-stroke ang PBA superstar na tinawag na “Skywalker” sa isang game with the PBA Legends.

Hanggang ngayon, under treatment, hindi nakakapagsalita at hindi nakakakita si Samboy na isa sa mga favorite players ko – OF ALL TIME.

Masaya ang private party sa condo ni Samboy dahil dumating sina Allan Caidic, Hector Calma, Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa, coach Norman Black, mga Letranistang sina Tino Pinat at Tonichi Pujante, sportscaster Quinito Henson at ilan sa mga kumander nila.

Dumalo rin si Manila City Engr. Robert Evangelista, ang best friend ni Samboy outside the basketball court.

Ang dating asawa ni Samboy, si Atty. Lelen Berbera­be, na siyang in-charge sa patuloy na pagbabantay at rehabilitation ni Samboy, ang nag-arrange ng get-together.

“Masaya. Parang NCC  (ang dating Philippine team) days,” ang sabi ni Robert.

Alam ni Samboy kung sino ang mga dumalo sa party. Kaya niyang mag-communicate dahil nakakarinig naman siya. Kung gusto niyang mag-yes, pumipikit siya ng ilang sandali at ngumingiti.

Magana sa pagkain ngayon si Samboy – either diretso sa sikmura or sa bibig pag soft food at liquid or sabaw. Minsan, pinapatikim siya ng ice cream.

“Malakas siya ngayon. Tumaba kaya nagda-diet,” sabi ni Robert.

Nanghinayang lang si Robert dahil hindi siya nakapagdala sa party ng Chinese noodles at soup na favorite ni Samboy.

May next time pa naman.

vuukle comment

SAMBOY LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with