^

PSN Palaro

Cargo Movers kampeon sa champions league

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cargo Movers kampeon sa champions league
Tinanghal na kampeon ang F2 Logistics sa 2021 Champions League makaraang walisin ang Chery Tiggo para sa 5-0 sweep marka. (PNVF)
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinataob ng F2 Logistics ang Chery Tiggo sa bisa ng 25-20, 25-20, 25-22 demolisyon upang matamis na angkinin ang kauna-unahang Champions League crown kahapon sa Aquamarine Recreation Center sa Lipa, Batangas.

Walang iba kundi si Fi­lipino-American outside hitter Kalei Mau ang na­nguna sa atake ng Cargo Movers matapos magpa­sabog ng 16 puntos habang sumuporta sina middle blockers Aby Maraño at Majoy Baron na nagtala ng pinagsamang 17 hits.

Malinis na tinapos ng Cargo Movers ang kanilang kampanya tangan ang imakuladang 5-0 rekord.

Ito ang unang titulo ng F2 Logistics sapul nang magsimula ang pandemya.

Hindi nakalahok ang Cargo Movers sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference dahil sa injuries ng ilan sa mga key players nito.

Winakasan ng reigning PVL Open Conference champion Chery Tiggo ang kampanya nito bitbit ang 3-2 baraha sapat para angkinin ang pilak na medalya.

Umiskor si wing spiker Dindin Santiago-Manabat ng 17 puntos para sa Crossovers samantalang naglista naman si opposite spiker Mylene Paat ng 14 hits ngunit hindi ito sapat para dalhin ang kanilang tropa sa panalo.

Hindi nakapaglaro si Chery Tiggo ace player Jaja Santiago na kasalukuyang nasa Japan kasama ang Saitama Ageo Medics sa Japan V.League.

Dahil sa panalo, nakuha ng F2 Logistics ang karapatang maging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Women’s Club Volleyball Championship na idaraos sa Mayo sa susunod na taon.

Sa unang laro, iginupo ng PetroGazz ang Tugue­garao Perlas Spikers, 25-11, 26-24, 19-25, 25-20, upang masikwat ang tansong medalya.

Humataw si middle blocker Riri Meneses ng 19 puntos para banderahan ang Gazz Angels sa 3-2 rekord sa pagtatapos ng torneo.

Itinanghal na Most Va­lua­ble Player at Best Opposite Spiker si Kim Kianna Dy.

Ang iba pang awar­dees ay sina Ces Molina ng PetroGazz (first Best Outside Hitter), Santiago-Manabat ng Chery (second Best Outside Hitter), Maraño ng F2 (first Best Middle Blocker), Maika Ortiz ng Chery (second Best Middle Blocker), Dawn Macandili ng F2 (Best Libero) at Iris Tolenada (Best Setter).

CHERY TIGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with