^

PSN Palaro

Pinay Spikers inaalat sa AVC tourney

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinay Spikers inaalat sa AVC tourney
Winakasan ng Choco Mucho ang group stage bitbit ang 2-0 baraha.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patuloy na inaalat ang Choco Mucho nang magtamo ito ng 22-25, 19-25, 15-25 desisyon sa Zhetysu-Kazakhs­tan sa 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship kahapon sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Winakasan ng Choco Mucho ang group stage bitbit ang 2-0 baraha.

Nauna nang natalo ang Choco Mucho sa Nakhon Ratchasima-Thailand, 11-25, 26-28, 17-25, sa unang araw ng bakbakan noong Biyernes.

Dahil ito, mapapalaban ang Pinay Spikers sa No. 2 seed sa quarterfinals.

Sa katunayan, maganda naman ang simula ng Pinay Spikers sa bawat set partikular na sa tuwing nasa frontline sina Filipino-American Kalei Mau at Mylene Paat.

Ngunit hindi masabayan ng Choco Mucho ang mainit na intensidad ng Zhetysu sa huling bahagi ng set para tuluyang lasapin ang ikalawang sunod na pagyuko.

Nakipagsabayan ang Choco Mucho sa blocking department matapos makalikom ng walong blocks para pantayan ang walo ring blocks ng Zhetysu.

Subalit nakaungos ang Zhetysu sa attacks nang mag­pako ito ng 48 kills laban sa 33 ng Pinay squad.

Lamang din ang Zhetysu sa service area, 4-1.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with