_ngayon
^

PSN Palaro

Klay Thompson dinalaw si Manny

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagdagsa ng mga kilalang sports personalities na nais masaksihan ang training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Sa pagkakataong ito, bumisita si Klay Thompson ng Golden State Warriors na nagawa pang magpakuha ng litrato sa buong Team Pacquiao.

Nagbiro pa si Pacquiao sa kanyang post sa social media kung saan sinabi ng Pinoy champion na handa itong turuan si Thompson ng boksing.

Ngunit kailangan din ng NBA star na turuan si Pacquiao sa basketball partikular na sa shooting.

“Nice to have Klay Thompson at Wild Card Gym today. I told Klay I would teach him how to fight if he’ll teach me how to shoot,” ani Pacquiao.

Nauna nang bumisita si NBA Sixth Man of the Year awardee Filipino-American Jordan Clarkson ng Utah Jazz gayundin ang kapwa Fil-Am na si Jalen Green na nakuha ng Houston Rockets bilang second pick overall sa NBA Rookie Draft noong Biyernes.

Nasa pukpukang paghahanda si Pacquiao para sa blockbuster fight nito laban kay reigning World Boxing Council at International Boxing Federation welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).

WILD CARD GYM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with