San Juan, Batangas wagi
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpleto ni Jhonard Clarito ang dalawang free throws sa huling 3.2 segundo upang iangat ang San Juan Knights sa 70-67 panalo kontra sa Iloilo United Royals sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Biglang humataw ang Iloilo Royals para burahin ang 12 puntos na kalama­ngan ng San Juan sa 12-1 run na pinangunahan ni Rey Publico para lumapit sa 67-68 iskor mahigit 59 segundo pa ang nalalabi.

Nagkaroon pa sana ng tsansa ang Royals na bawiin ang bentahe, pero sinupalpal ni Mike Ayonayon ang floater ni Aaron Jeruta na siyang nagbigay daan para kay Clarito para muling tumuntong sa cha­rity lane.

May sapat na oras pa sana ang Iloilo na tumabla ngunit sumablay ang triple ni Publico para  big­yang daan ang panalo ng Knights.

Sa iba pang laro, ginapi ng Batangas City Athletics ang Navotas Clutch, 72-68.

JHONARD CLARITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with