Gozum aariba sa Benilde
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula University Athletic Association of the Philippines (UAAP), magbabalik si dating University of the Philippines standout Will Gozum sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Naging Season Most Valuable Player si Gozum noong nasa juniors pa ito kasama ang Mapua University.

Ngunit sa kanyang pagbabalik sa NCAA, ibang jersey na ang susuotin nito.

Maglalaro sa pagkaka-taong ito si Gozum kasama ang College of Saint Benilde matapos lumisan sa kampo ng Fighting Maroons noong nakaraang linggo.

Napili ni Gozum ang Benilde dahil nagustuhan umano nito ang inilatag na programa ng eskuwelahan para sa kanya.

“New home,” ani Gozum sa post sa kanyang Twitter account.

Kaya naman ibubuhos ni Gozum ang lahat para suklian ang magandang offer ng Benilde.

Ngunit daraan ito sa one-year residency bago masilayan sa aksiyon sa Season 97 ng liga sa 2021.

Malaking tulong si Gozum para mas mapalakas ang Blazers sa kampanya nito.

Bigong makapasok sa semis ang Benilde sa nakalipas na Season 95.

WILL GOZUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with