Nailusot ni Jeanette Panaga ng PetroGazz ang kanyang hataw laban kina Grazielle Bombita at Shirley Salamagos ng BaliPure.
Jun Mendoza
PetroGazz pinulbos ang BaliPure
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Reinforced Conference champion na PetroGazz ang kanilang ngitngit laban sa BaliPure ma­tapos itarak ang 25-22, 25-18, 25-16 panalo upang ma­kapasok sa win column ng 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing lider si playmaker Djanel Cheng na umis­kor ng 17 excellent sets kalakip ang limang puntos para man­duhan ang Gazz Angels sa pagkopo ng unang pa­­nalo sa dalawang beses na pagsalang.

“Iyong consistency na hinahanap ng mga coaches namin ‘yung enjoyment sa game katulad noong ginawa namin sa Reinforced Conference. Maganda rin ‘yung passing namin ngayon kumpara sa first game namin,” pahayag ni Cheng.

Matamis na pagresbak ito para sa PetroGazz matapos lumasap ng 20-25, 25-11, 21-25, 18-25 kabiguan kontra sa BanKo Perlas Spikers sa kanilang opening game noong Agosto 11.

Nagtamo naman ang Purest Water Defenders ng ikalawang sunod na kabiguan para manatili sa ilalim ng team standings.

Sa Collegiate Conference, pinamunuan ng nagba­balik-aksyong si EJ Laure ang University of Santo Tomas Tigresses sa pagtarak ng 25-18, 25-13, 25-21 panalo la­ban sa Ly­ceum of the Philippines University Lady Pirates para makuha ang unang panalo.

Sumalo ang UST sa unahan ng team standings sa Group B kasama ang Arellano University at College of St. Benilde na may parehong 1-0 baraha.

Wagi rin ang reigning NCAA champion Arellano laban sa Technological Institute of the Philippines, 25-12, 25-7, 25-13, habang namayani naman ang University of Perpetual Help System Dalta sa San Sebastian College-Recoletos, 25-14, 25-22, 22-25, 25-17.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 3 OPEN CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with