Sigurado na si Bautista ng tansong medalya sa torneong inorganisa ng Asian Boxing Confederation.
Bautista pasok sa semis
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matikas na pinayuko ni Ian Clark Bautista si Chinese bet Chen Zhihao sa pamamagitan ng split decision para umusad sa semis ng 2019 Asian Boxing Elite Championships men’s bantamweight na ginaganap sa  Huamark In­door Stadium sa Bangkok, Thailand.

Sigurado na si Bautista ng tansong medalya sa torneong inorganisa ng Asian Boxing Confederation.

Solidong kumbinasyon ang inilabas ni Bautista sa buong panahon ng laban kung saan halos mapatumba pa nito ang Chinese fighter sa third round para matamis na angkinin ang puwesto sa semis.

Sasagupain ni Bautista sa semis si Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan na nagtala rin ng split decision win kay Chatchai Butdee ng host Thailand.

Bigo namang makapasok sa semis si Ramel Macado matapos matalo kay Te­mirtas Zhussupov ng Ka­zakhs­tan sa quarterfinals ng men’s light flyweight division.

Maganda ang simula ni Macado nang magpa­kawala ito ng matatalim na suntok sa first round upang bahagyang maalog ang kanyang Kazakh rival.

Subalit hindi inaasa­hang nagkabanggaan ang dalawang boksingero dahilan para dumugo ang noo ni Macado at nagtamo ng sugat sa kaliwang kilay si Zhussupov.

Itinigil ang laban ngu­nit ibinigay ng referee-stop­ped-contest win kay Zhussupov--bagay na ikinagulat ni Macado.  

2019 ASIAN BOXING ELITE IAN CLARK BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with