Bago ang naturang laro ay nagbitiw si Magic Johnson bilang Lakers president of basketball operations.
AFP
Lakers silat sa Blazers
(Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES -- Nagsalpak si Maurice Harkless ng isang corner 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer at nakuha ng Portland Trail Blazers ang home-court advantage sa first round ng playoffs mula sa 104-101 pagtakas sa Lakers.

Bago ang naturang laro ay nagbitiw si Magic Johnson bilang Lakers president of basketball operations.

Halos 26 buwan lamang namalagi ang Hall of Fame guard sa kanyang opisina at ang kanyang pagbibitiw ang lalo lang nagdulot ng intriga sa 16-time NBA champion franchise.

Hawak ng Blazers ang home court advantage sa kanilang first-round series ng Utah Jazz.

Sa New Orleans, kumolekta si DeMarcus Cousins ng 21 points at 12 rebounds para pamunuan ang 112-103 panalo ng Golden State Warriors laban sa Pelicans.

Hindi natapos ni Warriors guard Stephen Curry ang laro bunga ng kanyang mild foot sprain.

Sa Miami, tumipa si Dwyane Wade ng 30 points sa tribute-filled final home game ng kanyang career para igiya ang Heat sa 122-99 paggupo sa Philadelphia 76ers.

Tatapusin ni Wade ang kanyang NBA career ngayon sa Brooklyn sa regular-season finale ng Heat laban sa Nets.

MAURICE HARKLESS PORTLAND TRAIL BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with