Pansamantalang nagpahinga ang Team Pilipinas players na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at Paul Lee nang du­mating sa Astana para sa kanilang krusyal na laban kontra Kazakhstan.
Kuha ni Nelson Beltran
Todo na’to!
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2019 - 12:00am

Nationals iiwas Matalo vs Kazakhs

Laro Ngayon(Republican Velodrome Saryarka, Astana)

10:30 p.m. Pilipinas vs Kazakhstan (Manila time)

MANILA, Philippines — Maliban sa mga Kazakhs ay lalabanan din ng Nationals ang -11 degrees Celsius weather sa Astana, ang ikalawang pinakamalamig na kabisera sa buong mundo matapos ang Ulaanbaatar, Mongolia.

Ngunit inaasahang mangingibabaw ang determinasyon ng Team Pilipinas sa kanilang krusyal na rematch ng Kazakhstan ngayong alas-10:30 ng gabi (Manila time) sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Republican Velodrome Saryarka.

“Hindi natin kontrolado ‘yung ibang factors,” pag-amin ni national coach Yeng Guiao. “Wala na ta­yong magagawa. Wala na tayong pakialam sa ibang teams.”

Noong Huwebes ay dinurog ng Nationals ang mga Qataris, 84-46 na tinampukan ng 17 points, 15 rebounds, 7 assists, 2 steals at 2 blocks ni natura­lized center Andray Blatche. 

Nauna nang yumukod ang Team Pilipinas sa Kazakhs­tan, 88-92 sa fifth window ng Asian Qualifiers noong Nobyembre 30 sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang may 6-5 baraha ang Pilipinas sa Group F sa ilalim ng Australia (10-1), Japan (7-4) at Iran (7-4) kasunod ang mga sibak nang Kazakhs­tan (4-7) at Qatar (2-9). Nasa Group E naman ang New Zealand (10-1), Korea (9-2), Jordan (6-5), China (6-5), Lebanon (6-5) at Syria (2-9).

Nakakuha na ng tiket para sa 2019 FIBA World Cup ang Australia, New Zealand,  Korea at China bilang host country habang ang top three teams sa Groups E at F at ang best 4th-placed team ang uupo sa pinakahuling silya.

Maaaring makamit ng Nationals ang third place sa Group F kung tatalunin ang Kazakhs kasabay ng pagkatalo ng Japanese sa Qataris at panalo ng Iranians sa Aussies.

Sa nasabing senaryo ay magtatapos ang Iran na may second best-record taglay ang 8-4 marka at magtatabla naman ang Pilipinas at Japan sa 7-5.

Subalit hawak ng Nationals ang head-to-head tie breaker advantage matapos walisin ang Japanese sa dalawa nilang pagtutuos.

Bukod sa panalo sa Kazakhstan ay dapat ding ipanalangin ng Pilipinas na matalo ang Jordan laban sa New Zealand at Lebanon kontra sa Korea sa Group E para makasama sa biyahe sa 2019 FIBA World Cup sa Agosto.

2019 FIBA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS GILA PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with