^

PSN Palaro

Dasmarinas pinaghahandaan na ang pagsagupa sa French boxer

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paghahandaan ng husto ni Filipino boxer Michael “Hot & Spicy” Dasmarinas ang nakatakda niyang laban kontra kay Karim Guerfi ng France para sa IBO world bantamweight championship fight  “Ringstar Boxing: Roar of Singapore IV- Night of Champions” sa  Abril 20 sa 10,000-seater Singapore Indoor Stadium.

Ang 25-anyos na si Dasmarinas ay pang-12th sa ranking ng WBC habang si Guerfi ay No. 4 ranking boxer ng WBC at magtatapat silang dalawa para pag-agawan ang ba­kanteng bantamweight crown ng International Bo­xing Organization.

Ito pa lang ang unang pagsabak ng Pili, Camarines Sur-native na si Dasmarinas sa world cham­pionship kaya sabik na siya sa nakatakdang laban.

Nanalo si Dasmarinas kay Phupha Por Nobnom ng Thailand via knockout sa ikalawang round ng “Ringstar’s Roar of Singapore III –The Chosen Wan” noong nakaraang Oktubre 20, 2017 sa Suntec Convention Center kaya nakuha niya ang karapatang lumaban sa bakanteng bantamweight IBF world title fight.

“Nakakagalak po at nabigyan tayo ng Ringstar ng ganitong pagkakataong maipakita ang ating galing bilang Pilipino. Ngayon po ay puspusan ang aking paghahanda. Tuluy-tuloy po ang ating ensayo dahil nais ko pong makamit ang IBO world title na ito,” sabi ni Dasmarinas.

“Samahan n’yo po ako magdasal na makuha natin ang panalong ito.  Ang pa­nalo ko po ay  panalo rin ng Pilipinas,” aniya.

Ayon naman kay Ringstar Boxing Founder at CEO Scott Farrel na malaki ang potensiyal na ang nasabing title fight ay ang pinakamagandang laban ng kanyang promotion sa taong 2018.

“This is potentially one of the fight of the year nominees for 2018.  Michael Dasmarinas is WBC ranked 12 vs. Karim Guerif who is WBC ranked 4. This will be a real war that both the Philippine and French boxing fans would love to see.  Ringstar is all about a neutral fight platform, giving a genuine unbiased opportunity for both these great fighters to lift the IBO world title,” ayon kay Farrel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with