Narvasa handa nang bumaba sa Enero
RC (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Isang pulong ang itinak­da ng PBA Board of Gover­nors sa unang linggo ng 2018.

Ito ay para tuluyan nang wakasan ang hindi pag­ka­kaunawaan ng mga mi­yembro ng PBA Board kaugnay sa estado ni PBA Commissioner Chito Nar­vasa at ang pagpapasa ng PBA chairmanship ni Mikee Romero ng Globalport kay Ramoncito Fernandez ng NLEX.

“Hopefully January, mag­­kakaroon ng board mee­ting but some of the mem­bers are asking me just to hold the fort for them and I will try but if somebo­dy comes in already and there’s a new chairman any­time he can come in. I’m just filling for the next chairman,” ani Romero.

Si Romero ang tumata­yo ngayong spokesman ng PBA Board.

Sa isang kasunduan ay si Narvasa lamang ang gagawa ng ceremonial toss sa pagbubukas ng 2018 PBA Philippine Cup sa Linggo.

Hindi rin siya maaaring magsalita tungkol sa mga ka­lakaran sa loob ng PBA.

Ang lahat ng ito ay ga­gawin ng isang binuong tran­sition team hanggang sa araw ng pagbaba ni Nar­vasa sa kanyang pu­wes­to sa Enero.

Ang pagpayag ni Nar­vasa sa trade ng San Mi­guel at Kia na kinasasangkutan ni Fil-German center Christian Standhardinger ang humati sa mga miyembro ng PBA Board.

Inendorso ng majori­ty bloc, binubuo ng TNT Ka­tropa, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Alaska, Phoenix at Blackwater, ang ‘vote of no confidence’ kay Nar­vasa.

Hindi ito pina­halagahan ng minority group, kinabibilangan ng San Miguel, Barangay Ginebra, Magnolia, Globalport at Kia.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with