^

PSN Palaro

So, Chinese GM nag-draw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasya sa draw sina Filipino Grandmaster  Wesley So at Chinese GM Ding Liren sa first match ng kanilang semifinal duel kahapon sa 2017 FIDE (International Chess Federation) World Chess Cup na ginaganap sa Tbilisi, Georgia.

Naghati sa puntos sina So at Ding matapos ang 47 moves ng Giuoco Piano.

Umaasa ang second-seeded na si So na makuha ang importanteng panalo laban kay 11th pick Ding upang makahirit ng puwesto sa finals.

Masaya na ang 23-anyos Cavite City pride na naka­pasok ito sa semifinals kung saan sigurado na ito na makatatanggap ng $50,000 premyo anuman ang ma­ging resulta sa semis.

Nauwi rin sa draw ang bakbakan nina fifth seed GM Levon Aronian ng Armenia at eighth seed GM Maxime Vachier-Lagrave ng France sa hiwalay na semis game.

Ito ay matapos ang 32 moves ng Gruenfeld Defense.

Apat na manlalaro na lamang ang naglalaban-laban para sa tumataginting na $120,000 premyo para sa magkakampeon at $80,000 naman sa runner-up.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with