^

PSN Palaro

2 boxers umiskor ng gintong medalya

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
 2 boxers umiskor ng gintong medalya

KUALA LUMPUR -- Kumonekta si Fil-Brit boxer Mar­vin John Tupas ng isang left hook sa mukha ni Adli Hafidz Bin Mohd Pauzi ng Malaysia.
 

Lawn bowls team nagdagdag ng isa

Kuala Lumpur – Umani ang Team Philippines ng da­lawang gintong medalya mula sa boxing team at  isa sa  lawn bowls sa 29th Southeast Asian Games ka­hapon sa Malaysia International Trade and Exhibition Center (MITIC) dito.

Nagwagi sina Felix Eumir Marcial at Marvin John Tu­pas sa magkahiwalay na boxing finals, habang si­na Robert Guarin, Emma­nuel Portacio Jr., Leoncio Car­reon at Ronald Lising ay na­nalo sa Men’s Four ng lawn bowls laban sa host Ma­laysia. 16-14.

Bukod pa rito, nakakuha ng isang silver at apat na bronze ang bansa.

Tinalo ng Fil-British na si Tupas ang hometown bet na si Adli Hafidz Bin Mohd Pauzi sa gold medal match ng light heavyweight division at nanalo naman si Marcial kay Pathomsak Kuttiya ng Thailand sa middleweight class para angkinin ang gin­tong medalya.

Hindi naman pinalad si Mario Fernandez nang ma­talo kay Chatchai Butdee ng Indonesia sa finals at na­hulog sa silver medal sa bantamweight division.

Dalawang bronze me­dals din ang naiuwi ng boxing team mula kina Ian Bautista sa flyweight category at Charly Suarez sa light welterweight class.

Ang ibang nakakuha ng tanso ay sina Lois Kaye Go sa golf at Amparo Teresa Acu­ña sa shooting event.

Kaagad pinatamaan ni Tupas ng isang right straight sa mukha ang kalaban sa unang walong segundo at sinundan ng left at right na suntok sa katawan para ta­pusin ang laban na may higit pang dalawang minutos ang natira sa first round.

Si Marcial naman ay tumatama ng maraming suntok mula umpisa hanggang matapos ang laban tungo sa unanimous decision win.

Sa athletics, sasabak sa aksyon si 2016 Rio Olympic veteran Marestella Sunang-Torres sa women’s long jump at sina Kay Santos at Mel­vin Calanosa sa wo­men’s long jump at men’s ja­velin throw, ayon sa pagka­kasunod.

Pangungunahan din ni Eric Shawn Cray ang tropa sa  4x100-meter relays at si Kayla Richardson sa wo­men’s 4x100-meter relays.

Samantala, umabante sa finals ang Philippine men’s hockey team nang ta­lunin ang Malaysia, 2-1, pa­ra makalaban ang Thailand.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with