^

PSN Palaro

Diretsong singko sa Tornadoes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Diretsong singko  sa Tornadoes

Lusot sa depensa nina Geneveve Casugod at Mary Grace Masangkay ng Generika ang kill ni Jaja Santiago ng Foton. (Joey Mendoza)

MANILA, Philippines -  Nakabangon ang Foton sa dalawang sets na pagkakalugmok upang itakas ang 19-25, 20-25, 25-18, 25-15, 15-7 panalo laban sa Generika-Ayala kagabi sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nagpakawala si team captain Jaja Santiago ng 26 puntos na nabuo mula sa 19 atacks, limang aces at dalawang blocks para tulungan ang Tornadoes na masungkit ang ikalimang sunod na panalo.

Nanatiling matayog ang lipad ng Tornadoes na wala pa ring bahid tangan ang 5-0 baraha para sa solong pamumuno.

“Sabi ko lang sa kanila na kalimutan na yung nangyari nung first two sets. Mas naging aggressive lang kami sa third set. Inilabas lang namin yung laro namin, inalis din namin yung pressure para makagalaw kami ng maayos,” wika ni Santiago na miyembro ng national team.

Nakatuwang ng 6-foot-5 opposite hitter si University of Santo Tomas standout Ennajie Laure na nakalikom ng 20 puntos galing sa 18 kills, isang block at isang aces gayundin sina Christine Joy Rosario at Maika Ortiz na nagtala ng krusyal na puntos sa huling tatlong sets para makuha ang panalo.

“Nawalan kami ng receive sa first at second sets kaya hindi kami nakagawa ng plays. Kaya nung third set, nag-focus muna kami sa reception para maka-attack kami,” pahayag ni Laure.

Lumasap ang Lifesa­vers ng ikatlong kabiguan sa limang laro.

Nakagawa ang Torna­does ng 29 errors na k­a­ra­mihan ay mula sa second set.  Subalit nabawi ito ng Foton sa attack line nang bumanat it  ng 57 kabuuang kills kumpara sa 49 lamang ng Generika-Ayala.

Umani rin ang Tornadoes ng mas maraming blocks, 7-6 at aces, 8-6.

Malaking balakid naman ang 32 errors ng Lifesavers sa larong tumagal ng isang oras at 39 minuto.

Bumandera para sa Generika-Ayala sina skipper Gen Casugod, Fiola Ceballos at Patty Orendain ngunit hindi sapat ang kanilang pinaghirapan para patikimin ng kabiguan ang Tornadoes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with