Valdez, Creamline mapapalaban sa Perlas
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2017 - 12:00am

Premier Volleyball League hahataw ngayon

MANILA, Philippines -  Simula na ng matin­ding paluan sa paglarga ng Pre­mier Volleyball League ngayong araw tampok ang salpukan ng anim na kopo­nan sa The Arena sa San Juan City.

Inaabangan na ang Creamline na pamumunuan ni many-time confe­rence league MVP at da­ting UAAP star Alyssa Valdez kasama sina  Aerieal Patnongon, Coleen Bravo, James Suyat, Janet Sera­fica, Ivy Remulla, Pau Soriano, Joyce Palad, Aurea Racraquin at Jonalyn Ibisa.

Ang koponan ay haha­wakan ni Thai coach Tai Bundit na sasandalan din sina imports Thai Kuttika Kaewpin at  American Lau­ra Schaudt.

Unang makakaharap ng Cool Smashers ang Perlas na binubuo ng da­ting manlalaro ng UP at Ateneo at mamanduhan nina Brazilian Rupia Inck at Japanese Naoko Hashimoto.

Nakatakda ang Creamline-Perlas game sa alas-6 ng gabi.

Kasama sa Perlas Lady Spikers sina Amy Ahomiro, Sue Roces, Dzi Gervacio, Ella de Jesus, Sasa Devanadera, Jem Ferrer, Kat Bersola, Nicole Tiamzon, Mae Tajima at Amanda Villanueva.

“The core of the squad has so much experience and we welcome the addition of Kat and Nicole, they will give this team energy,” ani Perlas coach Jerry Yee.

Naglaro si Hashimoto para sa powerhouse Bangkok Glass at da­ting miyembro ng Japan team na nakapilak noong 2013 Asian Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Lalarga rin ang duwelo ng BaliPure at Air Force sa alas-2 at Pocari Sweat Lady Warriors at Power Smashers sa alas-4.

Ang Purest Water Defenders ay lalarga kasama sina many-time NCAA MVP Grethcel Soltones, American import Jennifer Keddy at Thai spiker Jaroensri Bualee.

Tatapatan ito ng Jet Spikers nina Thai veteran Patcharee Sangmuang at local mainstays Joy Cases, Wendy Semana at Iari Yongco.

Nananatiling matikas ang Pocari sa kabila ng pagkawala ni Michele Gu­mabao dahil nariyan pa rin sina Myla Pablo, Melissa Gohing at Desiree Dadang at bagong reinforcements na sina Michelle Strizak at Edina Selimovic.

Pasok sa Power Sma­shers sina Hyapha Am­porn, Kannika Thipachot, Jovielyn Prado, Katherine Villegas, Alina Bicar at Dimdim Pacres.

VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with