^

PSN Palaro

Khan alam kung paano tatalunin si Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ilang beses silang naging sparmate at alam ni Amir Khan ang mga sikreto kung paano niya tatalunin si Manny Pacquiao.

“The fight is going to be for the WBO title and it’s a fight I know I can win. I know a lot about Manny Pacquiao,” wika ng 30-anyos na si Khan sa kanyang paghahamon para sa World Boxing Organization welterweight crown ng 38-anyos na si Pacquiao.

Naging regular na sparring partner ni Pacquiao si Khan sa ilalim ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Noong 2012 ay umalis si Khan sa bakuran ni Roach at kinuha si Virgil Hunter bilang bago niyang trainer.

Kamakalawa ay kapwa inihayag nina Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) at Khan (31-4-0, 19 KOs) sa kanilang mga Twitter account ang pagkakaplantsa nang bakbakan nila.

Itinakda ang laban sa Abril 23 sa United Arab Emirates.

Nauna nang napaulat ang pag-aalok ng isang grupo sa United Arab Emirates ng premyong $38 milyon kay Pacquiao para labanan si Khan sa Dubai.

Ang hawak na WBO welterweight belt ni Pacquiao ay galing sa kanyang 12 round unanimous decision win laban kay Jessie Vargas sa kanyang comeback fight noong Nobyembre.

Nakalasap naman si Khan ng isang sixth-round KO loss kay Canelo Alvarez noong Mayo na tanging laban niya noong nakaraang taon.

Matapos ito ay sumailalim si Khan, tubong Manchester, England na may dugong Pakistani, sa isang surgery para sa dati niyang right hand  injury.

 

vuukle comment

AMIR KHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with