San Beda teams amoy na ang titulo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Lumapit sa hangad na ko­rona ang San Beda College nang itarak ang 1-0 panalo laban sa nagdedepensang Arellano University kahapon sa NCAA Season 92 men’s football tournament sa Rizal Memorial Foot­ball Field.

Sumandal ang Red Boo­ters sa late-goal ni Mike Da­niel Riconalla na naisalpak nito sa ika-81 minuto ng laban mula sa magandang setup ni Adolfo Abada upang dalhin ang kanilang tropa sa ikalawang sunod na panalo sa round-robin Final Four.

Isang panalo na lamang ang kinakailangan ng San Be­da upang masungkit ang titulo.

Makakasagupa ng Red Booters ang College of Saint Benilde sa Martes.

Ngunit kung matalo ang San Beda sa Benilde ay daraan sa one-game championship round ang da­lawang mangungunang ko­ponan sa Final Four.

“That’s the match we’ve be really preparing hard,” sa­bi ni San Beda coach Mi­chael Pediamonte.

Nauna nang tinalo ng San Beda ang Lyceum of the Philippines University, 2-1, sa kanilang unang laro sa semis.

Nagbida sa naturang pa­nalo si Filipino-British Connor Tacagni na siyang ku­mana ng dalawang goals ng San Beda.

Tuluyan namang na­ma­alam sa kontensiyon ang Arellano na may 0-2 baraha sa semis.

Sa juniors, isang pa­nalo na lang rin ang ki­na­kailangan ng San Beda para makuha ang korona.

Tinalo rin ng Junior Red Booters ang Junior Chiefs, 4-1.

Wagi rin ang Letran la­ban naman sa La Salle-Greenhills, 3-0.

SAN BEDA COLLEGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with