Bullpups mainit agad
QUIET COMPANY - Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mainit na binuksan ng National University ang kanilang mithiin na back-to-back title sa pamamagitan ng 104-54 demolisyon kontra sa  University of the East sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament na ginanap sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City kahapon.

Pinangunahan ni John Lloyd Clemente ang Bullpups sa kanyang 21 puntos, apat na rebounds at tatlong assists habang si Rhayyan Amsali, ang bagong starting center dahil sa pagkawala ni Justine Baltazar ay umiskor din ng 18 puntos at anim na rebounds.

Sa isa pang laro, nadiskaril naman ang  se­cond pla­cers na De La Salle-Zobel sa Far Eastern University-Diliman, 56-66.

Umani si Jack Gloria ng 15 puntos, 11 rebounds, dalawang assists at dalawang steals habang si Xyrus Torres ay tumapos ng 11 para sa Baby Tamaraws.

BULLPUPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with