^

PSN Palaro

Aces, Bolts patayan sa huling Finals slot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumangon mula sa kabiguan sa Game Three para itabla ang serye sa 2-2,

ipinakita ng Meralco ang kanilang determinas­yong makapasok sa kauna-unahan nilang championship appearance sa PBA.

“It’s all about fighting to live to fight another game,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black matapos ang 86-70 paggiba ng kanyang Bolts sa Aces sa Game Four noong Lunes.

Muling maghaharap ang Bolts at Aces  sa kahuli-hulihang pagkakataon sa Game Five ng kanilang semifinals series ngayong alas-7 ng gabi sa 2016 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa nasabing serye ng Bolts at Aces ang sasagupa sa Rain or Shine Elasto Painters para sa best-of-seven title series.

Pinatalsik ng Elasto Painters ang San Miguel Beermen, 3-1 sa kanilang best-of-five semifinals wars patungo sa kanilang ika­anim na finals stint.

Aminado si Fil-Am forward Jared Dillinger na dis­mayado si Black sa 20-point loss ng Meralco sa  Alaska sa Game Three.

“We all wanted to make it a point that we would go all out there,” wika ni Di­llinger, tumapos na may 17 points sa Game Four.

Nagpakawala ang Bolts ng isang 15-2 atake sa fourth quarter na siyang naging puhunan nila para resbakan ang Aces, ang 1996 PBA Grand Slam champions.

 Bagama’t natalo ay pupuntiryahin pa rin ng Alaska ang kanilang pangalawang sunod na Finals stint at ika-33 sa kabuuan.

“Makakabawi tayo sa Wednesday,” sabi ni small forward Calvin Abueva sa Aces, may 14 PBA titles kung saan ang 13 dito ay mula kay Tim Cone ng Ginebra Gin Kings. “Do-or-die na ito. Para mag-Finals, talagang ibibigay na namin ang lahat,” ani pa ni Abueva.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with