Bakers, Rhum masters wagi
(Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

Laro sa Martes (Filoil Flying V Arena, San Juan)

2 p.m. Phoenix-FEU vs UP QRS/JAM Liner

4 p.m. AMA University vs BDO-NU

 

MANILA, Philippines – Dumiretso ang CafeFrance sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos gibain ang UP QRS/JAM Liner, 94-73, sa PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa Ynares Sports Aren­a.

Sumosyo ang Bakers sa Caida Tile sa liderato sa magkatulad nilang 3-0 kar­tada.

Binuksan ng CafeFrance ang laro mula sa 11-0 abante bago ibaon ang UP sa 74-47 sa third period.

Binanderahan ni Carl Bryan Cruz ang Bakers sa kanyang 15 points, habang humakot si import Rod Ebon­do ng 14 markers at 12 rebounds.

Nagdagdag naman si­na Samboy de Leon, Paul Zamar at Mon Abundo ng 14, 11 at 10 points, ayon sa pag­kakasunod.

Pinangunahan ni Raymond Aguilar ang Maroons sa kanyang 14 points at 14 boards kasunod ang 13 markers ni Kevin Ferrer.

Samantala, inilampaso na­man ng Tanduay ang Min­danao, 95-56, para sa ka­nilang unang panalo ma­tapos ang 0-2 panimula.

Tumipa si JP Belencion ng 18 points, habang may 14 si Adrian Santos at tig-12 sina Rudy Lingganay at Lucas Tagarda para sa Rhum Masters.

ACIRC ADRIAN SANTOS ANG CAIDA TILE CARL BRYAN CRUZ D-LEAGUE ASPIRANT FILOIL FLYING V ARENA KEVIN FERRER LUCAS TAGARDA MON ABUNDO SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with