^

PSN Palaro

Bullpups may tiket na sa Final 4

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilampaso ng National University ang Far Eastern University-Diliman, 67-51 para masungkit ang u­nang silya sa Final Four ng UAAP Season 78 juniors basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humatak ng 18 puntos si John Lloyd Clemente habang nagdagdag ng 15 puntos at 11 rebounds si Justine Baltazar upang tulungan ang Bullpups na sakmalin ang ika-10 sunod na panalo nito at higit na mapatatag ang kapit sa solong liderato.

Hangad ng NU na makumpleto ang matamis na 14-game sweep sa eliminasyon upang masiguro ang awtomatikong tiket sa finals kalakip ang thrice-to-beat advantage.

Sa kabilang banda, nagrehistro si Aljun Melecio ng 22 puntos, 11 rebounds, limang assists at tatlong steals para dalhin ang De La Salle-Zobel sa 80-73 panalo laban sa Ateneo de Manila University.

Napalakas rin ng A­damson University ang tsansa nitong makapasok sa Final Four matapos iselyo ang 80-26 demolis­yon kontra University of the East.

Umangat sa ikalawang puwesto ang La Salle-Zobel taglay ang 8-2 baraha habang magkasosyo sa ikatlo ang Adamson at Ateneo na may parehong 6-4 kartada.

 

 

vuukle comment

ACIRC

ALJUN MELECIO

ANG

ATENEO

DE LA SALLE-ZOBEL

FAR EASTERN UNIVERSITY-DILIMAN

FINAL FOUR

JOHN LLOYD CLEMENTE

JUSTINE BALTAZAR

LA SALLE-ZOBEL

MANILA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with