^

PSN Palaro

Bradley Pa Rin

PRESSROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Lumabas na ang hatol.

Si Timothy Bradley ang napiling labanan ni Manny Pacquiao sa April 9 sa Las Vegas.

May mga nagulat at nagtaka. May mga tumaas ang kilay at umalma.

Bakit daw si Bradley eh may iba naman.

“Si Bradley na naman?” ang hirit.

Dalawang beses na silang naglaban. Nanalo si Bradley nung 2012 dahil napuwing yata ang dalawang judges. Bumawi naman si Pacquiao sa rematch nung 2014.

Kaya sa paningin ng marami, 2-0 si Pacquiao at hindi na kailangan ng third fight.

Pero si Bradley pa rin ang napili imbes na si Te­rence Crawford o Adrien Broner o Amir Khan. Gaya ng inasahan, luhaan na naman si Khan.

Kausap natin si Bob Arum matapos lumabas ang announcement. Ang dahilan daw sa pagpili kay Bradley ay dahil siya ang gusto ng HBO para sa pay-per-view.

Negosyo ang nanaig. Sa paniwala nila, mas bebenta sa pay-per-view kung si Bradley ang kalaban ni Pacquiao.

Wala pa raw appeal si Crawford o Broner at never kumita ang mga laban ni Khan.

Ganyan talaga ang boxing.

Kung saan masaya ang promoters at ang may hawak ng pay-per-view gaya nga ng HBO, dun din magiging masaya ang mga boxers.

Maganda nga ang laban, kung lugi naman, wala rin.

Hindi mo sila masisisi. Malaki ang puhunan, lalo na ang boxers.

Buhay ang nakataya.

Dominahin man ni Pacquiao si Bradley ay hindi naman siguro magiging boring ang laban. Fighter din naman si Bradley at may gustong patunayan.

Matagal na bakante si Pacquiao at galing sa talo kay Floyd Mayweather.

Hindi mo alam ang mangyayari.

Kaya panoorin na lang natin ang laban.

Happy New Year!

vuukle comment

ADRIEN BRONER

AMIR KHAN

ANG

BOB ARUM

BRADLEY

CRAWFORD

FLOYD MAYWEATHER

HAPPY NEW YEAR

KAYA

LAS VEGAS

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with