_ngayon
^

PSN Palaro

Elasto Painters ipininta ang semis vs Beermen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naipinta ng Rain or Shine ang 104-89 panalo laban sa Talk ’N Text upang masungkit ang huling tiket sa semifinals kagabi sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumipa si Raymond Almazan ng 15 puntos, 10 rebounds at tatlong blocks para tulungan ang Elasto Painters na makatuntong sa semifinals sa ikasiyam na pagkakataon sa loob ng 10 kumperensiya.

“We finally were able to finish what we’re not able to finish against NLEX probably because we weren’t prepared the first time we got to go the long route para makapag-isip kami mas ready kami,” pahayag ni Painters head coach Yeng Guiao

Nakakuha ng sapat na suporta si Almazan mula sa anim pang manlalaro ng Elasto Painters na nagrehistro ng double digits kung saan naramdaman si rookie Don Trollano na nagtala ng 14 puntos  gayundin si Jeff Chan na kumana naman ng 13.

Nanguna para sa Tropang Texters si Jayson Castro na nakakuha ng 25 puntos.

Naisaayos ng Elasto Painters ang pakikipagtipan sa second pick San Miguel Beer sa kanilang best-of-seven semifinals series.

Aarangkada ang Game 1 ng serye ng Elasto Painters at Beermen sa Enero 5 sa parehong venue.

Nauna nang naisaayos ng Globalport at top seed Alaska ang kanilang pagtutuos sa hiwalay na best-of-seven semifinals series.

Naitakas ng Batang Pier ang makapigil-hiningang 84-83 overtime win laban sa Barangay Ginebra sa knockout stage ng quarterfinals noong Linggo.

Lalarga sa Enero 4 ang Game 1 ng Batang Pier at Aces.

Rain or Shine 104 - Almazan 15, Trollano 14, Chan 13, Cruz 11, Norwood 11, Quiñahan 11, Ahanmisi 10, Ponferada 8, Belga 6, Tiu 5, Ibañes 0.

Talk ‘N Text 89 - Castro 25, Tautuaa 14, Aban 11, Reyes R. 10, Rosario 10, Seigle 10, Williams 5, Reyes J. 2, Fonacier 1, Rosser 1, Ababou 0, Carey 0, Miranda 0.

Quarterscores: 26-20, 52-44, 84-75, 104-89.

 

ALMAZAN ANG ATILDE BARANGAY GINEBRA BATANG PIER DON TROLLANO ELASTO PAINTERS ENERO JAYSON CASTRO JEFF CHAN N TEXT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with