^

PSN Palaro

NCAA football: Arellano niyanig ang Beda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginulantang ng Arellano University ang nagdedepensang San Beda College, 2-1 upang masungkit ang kanilang ikaanim na sunod na panalo sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) football tournament kahapon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Napatatag ng Arellano ang kapit sa solong liderato tangan ang malinis na 6-0 rekord habang ang San Beda ay nanatili sa ikalawang puwesto taglay ang apat na panalo, isang draw at isang talo.

Inilista ng San Beda ang 1-0 maagang kalamangan nang maisalpak ni Connor Tacagni ang umaatikabong goal sa ika-38 minuto ng bakbakan.

Ngunit mas mabangis na Arellano ang lumabas sa second half nang agad na magpakawala ng isang goal si Charles Vincent Gamutan sa ika-54 minuto para maitabla ang iskor sa 1-1.

Isa pang malupit na atake ang inilatag ni Ro­nald Espinosa sa huling 20 minuto ng laban para kubrahin ng Chiefs ang 2-1 bentahe na sumelyo sa kanilang panalo. (CC)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

CHARLES VINCENT GAMUTAN

CONNOR TACAGNI

ESPINOSA

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with