Anthony nagbida sa Road Warriors
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Minsan pang pinatunayan ni Sean Anthony ang kakayahang ipanalo ang kanyang koponan.

Nagsalpak si Anthony ng dalawang krusyal na free throw sa natitirang 8.8 segundo sa fourth quarter, habang ipinasok ni Kevin Alas ang panigurong free throw para sa 93-91 panalo ng NLEX laban sa Meralco sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Anthony na may 19 points sa ilalim ng 22 markers ni 6-foot-9 Fil-Tongan Asi Taulava para sa ikalawang sunod na panalo ng Road Warriors na nagbigay sa kanila ng 4-2 record.

Nabigo naman ang Bolts na makamit ang kanilang unang back-to-back wins sa pagkakahulog sa 1-6 baraha.

Nagdagdag si Jonas Villanueva ng 17 points, habang may 16 si Alas para sa NLEX, nagtayo ng isang 10-point lead, 58-48, sa third period bago sila nalamangan ng Meralco sa 91-90 sa huling 9.8 segundo mula sa three-point shot ni Gary David.

“It’s our defense that made it happen for us,” sabi ni coach Boyet Fernandez. “Sean made the stops and Asi. They really wanted to win this ballgame because we’re looking at a tough grind ahead.”

Matapos ang naturang tres ni David para sa bentahe ng Bolts ay tumipa naman si Anthony ng dalawang free throws sa huling 8.8 segundo para ibigay sa Road Warriors ang 92-91 abante.

Ang turnover ni David sa posesyon ng Meralco ang nagresulta sa free throw ni Alas sa nalalabing 2.6 segundo para selyuhan ang panalo ng NLEX.

NLEX 93 - Taulava 22, Anthony 19, Villanueva J. 17, Alas 16, Khobuntin 6, Enciso 5, Borboran 3, Villanueva E. 3, Lanete 2, Arboleda 0, Reyes 0.

Meralco 91 - Newsome 21, David 19, Hodge 14, Al-Hussaini 10, Faundo 10, Dillinger 9, Nabong 4, Atkins 2, Hugnatan 2, Alapag 0, Amer 0, Buenafe 0.

Quarterscores: 24-18; 46-37; 65-67; 93-91.

ANG BOYET FERNANDEZ FIL-TONGAN ASI TAULAVA GARY DAVID JONAS VILLANUEVA KEVIN ALAS MERALCO PHILIPPINE CUP ROAD WARRIORS SEAN ANTHONY SMART ARANETA COLISEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with