RC Cola Raiders pakay ang win No. 2
ATan (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2015 - 10:00am

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

4:15 p.m. – RC Cola-Air Force vs Petron

6:15 p.m. – Philips Gold vs Meralco

MANILA, Philippines – Masusukatan ngayon ang RC Cola-Air Force Raiders sa pagharap nila sa Petron Lady Blaze Spi­kers, habang ang dugtu­ngan ang nakuhang unang pa­na­lo ang nais ng Philips Gold Lady Slammers sa Me­ralco Power Spikers sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa The Are­na sa San Juan City

Galing ang nagbabalik na Raiders sa 25-20, 17-25, 20-25, 25-21, 15-13 panalo la­ban sa Power Spi­kers pa­ra maging ikala­wang ko­ponan na lamang na hindi pa natatalo sa liga.

Ang kanilang mga imports na sina Lynda Mora­les at Sara Christine McClinton ay may 26 at 20 puntos at nagsanib sa 35 kills at 10 blocks sa unang pa­nalo.

Pero para gumanda ang tsansang mangibabaw pa sa Petron sa laro sa alas-4:15 ng hapon.

Hindi puwedeng biruin ng RC Cola ang nagdedepensang kampeon na gustong wakasan ang mga la­ro sa first round.

Matapos ang apat na laban ay may 2-2 karta la­mang ang tropa.

ACIRC ANG COLA-AIR FORCE COLA-AIR FORCE RAIDERS GRAND PRIX LARO NGAYON LYNDA MORA PETRON PETRON LADY BLAZE SPI SAN JUAN CITY SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with