^

PSN Palaro

Asa ka pa

PRESSROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Pormal nang nagsabi ni Marc Pingris kahapon na hindi siya makakasali sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championships sa China sa susunod na buwan.

Mabuti pa si Pingris nagsabi na.

Malaking kawalan si Pingris sa Gilas dahil nakita natin ang kanyang kakayahan sa loob ng court sa mga nakalipas na mga labanan.

Pero personal niyang desisyon ang hindi pagsali.

Kaya ‘wag natin ito ikagalit.

Ngayon, isa lang ang inaasahan ni coach Tab Baldwin na makasali sa Gilas lineup--at ito ay si June Mar Fajardo.

Injured si Fajardo sa paa at nagsabi nang hindi siya puwede maglaro sa FIBA Asia itong taon na ito.

Pero ano itong narinig ko na may negosasyon daw na nagaganap para makasali pa siya. Eh kung injured siya, ano pa ang pinag-uusapan nila.

Ang basa ko, kaya naman niyang maglaro pero nagda-dalawang isip.

Ang akin lang, bakit hindi pa niya sabihin ang totoo.

Kasi naman, kung talagang ayaw mo o hindi ka puwede, eh di magpasabi ka na “huwag n’yo na akong asahan dahil hindi ako puwede”.

Ano pa ba ang hinihin­tay nila para sabihing once and for all.

May mga ilan pang players na nagsabing hindi siya puwede this time. Sayang. Kaya lang, ‘wag pilitin ang ayaw.

Si Jimmy Alapag daw mukhang puwede.

Aalis ang Gilas pa­puntang Estonia bukas para sa isang maikling tournament. Umaasa pa si Baldwin na pagbalik nila ay makikita na niya si Fajardo sa practice.

Eh baka naman uma­asa ka sa wala, coach.

Kaya June Mar, plea­se, ‘wag mo nang patagalin pa.

Kahit i-tweet mo na lang. Walang personalan.

Laban o bawi?

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIPS

FAJARDO

GILAS PILIPINAS

HINDI

JUNE MAR FAJARDO

KAYA

KAYA JUNE MAR

MARC PINGRIS

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with