^

Appleton at Boyes nakalusot laban kina Diaz at Alcaide

Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sinuwerte ang tambalan nina Darren Appleton at Karl Boyes ng England A nang malusutan ang pagsorpresa sa­­nang hatid nina Francisco Diaz at David Alcaide ng Spain patungo sa 7-6 panalo sa pagpapatuloy ng 2014 World Cup of Pool first round sa Mountbatten Centre, Ports­mouth, Great  Britain.

Naunang nakarating sa hill ang Spain, 6-5, pero hindi nila nagawang maibulsa ang mahalagang ika-pitong panalo para mamaalam sa kompetisyong nilalahukan ng 32 koponan mula sa 31 bansa, ang dalawang tropa ay galing sa host England.

Si Alcaide ang nagpatalo sa Spain nang maisablay sa tangkang pagpapapasok sa 4-ball tungo sa clean-up ng host team.

“The last rack was really tense and really edgy but be­sides that it was a pretty good match,” wika ni Appleton.

Ang nakapagtala ng pinakamalaking panalo sa pa­nga­lawang araw ng kompetisyon ay sina Waleed Majid at Bashar Hussain na pinagpahinga ang mas pinaborang Chinese-Taipei na binubuo nina Chang Yu-lung at Hsu Kai-lun, 7-5.

Ang iba pang nanalo ay ang Poland kontra sa Australia, 7-4, Chi­na sa laban Czech Republic, 7-5, USA sa Croatia, 7-2, at Holland sa Sweden, 7-3.

Sina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ng nagde­depensang Pilipinas ay sumalang noong Biyernes ng madaling araw laban kina Stephan Cohen at Alex Montpelier ng France para sa puwesto sa Last 16.

 

ALEX MONTPELIER BASHAR HUSSAIN CHANG YU CZECH REPUBLIC DARREN APPLETON DAVID ALCAIDE ENGLAND A FRANCISCO DIAZ SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with