^

PSN Palaro

Ateneo pasok sa quarters; Davao sinorpresa ang FEU

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Davao vs Perpetual

4 p.m. St. Louis vs St. Benilde

MANILA, Philippines - Nasulit ang mahabang panahon ng paghihintay para masilayan ang Davao Lady Agilas nang gulatin nila ang FEU Lady Tamaraws, 25-20, 25-19, 20-25, 25-22, sa pagpapatuloy kahapon ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City.

Apat na manlalaro ng Davao ang gumawa ng mahigit 10 puntos para sa balanseng pag-atake at kunin ang unang panalo sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Nakalamang ang Lady Agilas ng lima sa Lady Ta­maraws sa attack points, 50-45, pero ang nakatulong pa sa magandang panalo ay ang solidong serve, 8-2, para ipatikim sa FEU ang ikatlong pagkatalo matapos ang limang laro.

Ibinagsak ni May Shiel Agton ang  lahat ng 15 puntos sa kills habang si Venus Flores ay may 14 puntos at isa lamang ang hindi kinuha sa atake.

Ang matchpoint ng Lady Agilas ay galing sa kill ni Flores na lumusot sa dalawang FEU blockers.

Inangkin naman ng UAAP champion Ateneo Lady Eagles ang ikatlong upuan patungong quarterfinals sa Group A sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil sa 25-15, 25-19, 25-20. straight sets tagumpay sa St. Benilde Lady Blazers sa ikalawang laro.

Sa second set nagbigay ng magandang laban ang Lady Blazers matapos makalamang ng tatlong puntos pero hindi nila natapatan ang pag-iinit ng mga spikers na sina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro at Michelle Morente para katampukan ang pagdagit ng Ateneo ng ikatlong panalo matapos ang apat na laro.

Sinamahan nila sa susunod na round ang Arellano (4-1) at Adamson (3-1) habang ang St. Benilde ay bumaba sa 1-2 karta at nakikipaglaban sa Southwestern University Lady Cobras (1-4) at St. Louis Lady Navigators (0-3) para sa huling upuan.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ATENEO LADY EAGLES

DAVAO

DAVAO LADY AGILAS

FIRST CONFERENCE

LADY

LADY AGILAS

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with