^

Andrada Cup netfest papalo sa Jan. 6

(Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magsisimula ang palakasan ng bansa sa 2014 sa pag-arangkada ng 25th Andrada Cup Division 1 Junior Tennis Championships mula Enero 6 hanggang 12 sa Rizal Memorial Tennis  Center.

Mga papasibol na batang tenista edad 18-anyos pa­baba ang mga magtatagisan sa kompetisyong pinasimulan ng dating pangulo ng Philippine Tennis Association (Philta) at ngayon ay commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) noong 1989.

Mangunguna sa mga magsusukatan ng galing sa silver anniversary ng tennis event ay sina Eric Olivarez, Andrew Cano, Marcin Gonzales, Emmanuel Bacalaris, Jerome Romualdez at Stephan Suarez sa kalalakihan habang sina Mika Tampoco, Kim Iglupas, Katrina Orteza, Erika Manduriao, Mary Balce at Dominique Ong ang sa kababaihan.

Magiging makulay ang opening ceremony at tampok dito ay ang pagparada ng mga dating Andrada Cup champions.

 â€œHalos lahat ng mga magagaling na tennis players ng bansa ay nakapaglaro sa Andrada Cup at ito ay ating ipakikilala uli,” wika ng 76-anyos na sports official.

Ang dating Parañaque Congressman na ngayon ay Mayor at Philta president na si Edwin Olivarez ay dadalo rin sa opening ceremony kasama sina PSC chairman Ri­cardo Garcia at ang Philta sec/gen Romeo Magat.

Mamimigay din ng mga t-shirts at mugs sa mga bi­sita at kasaling manlalaro si Andrada sa pagbubukas ng kompetisyon.

Hindi lamang sa Pilipinas kinikilala ang mga naiambag ni Andrada sa tennis dahil nanilbihan na rin siya bi­lang pangulo ng Asian Tennis Federation (ATF).

ANDRADA ANDRADA CUP ANDRADA CUP DIVISION ANDREW CANO ASIAN TENNIS FEDERATION DOMINIQUE ONG EDWIN OLIVAREZ PHILTA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with