^

PSN Palaro

Gamitan nina Pacquiao at Rios

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Gagawin lahat ni Manny Pacquiao upang maibalik ang ‘pagtitiwala’ sa kanya ng mga tao.

Hindi maikakailang nawalan ng kinang si Pacquiao makaraan ang dalawang sunod na pagkatalo kina Ti­mothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong na­­ka­raang taon. At ngayong taon, inaasahan niyang mananalo siya kay Brandon Rios sa laban nila sa China sa Nobyembre 23.

Sa totoo lang, bagama’t sinasabi pa rin nating kaha­nga-hanga ang mga nagawa ni Pacquaio, ang huli ni­yang mga laban sa malalakas na boksingero ay nagpapatunay lamang na pababa na ang kanyang career.

Natalo  ang 34-anyos na si Pacquiao  kina Bradley  noong Hunyo  2012 at  Juan Manuel Marquez noong Disyembre, at sa laban niya ngayon kay Rios, sinabi ni Pacquiao na nakakaramdam siya ng pressure.

Sabi ni Pacquiao, inaasahan niya na ang laban niya kay Rios ang magpapabalik sa kanya sa limelight.

Sa panig ni Rios sinabi niya na mayroon siyang “enormous amount of respect” para kay Pacquiao, pero alam niya na ang  Filipino  boxer ay “makes a lot of mistakes” na kanyang sasamantalahin.

Noon ang inaakala ko sanang maglalaban ay sina Rios at Mike Alvarado na naglaban nang dalawang beses kung saan nanalo ng tig-isa ang dalawang boksi­ngero. Pinabagsak ni Rios si Alvarado sa se­venth round ng kanilang unang pagtatagpo, bago nanalo naman si Alvarado sa ga-buhok na  unanimous decision noong Marso

Batay sa mga napanood na natin, mahusay si Rios  (31-1-1, 23 KOs) at kaya niyang makipagsaba­yan ng suntok sa kanyang mga kalaban.  Inaasahan na nating mahihirapan si Pacquiao.

Pero kahit pa ipagkaila ng kampo ni Bob Arum, alam ng lahat sa boxing community na ang move nito na ilagay sa Asian region, particular na sa China, ang laban ni Pacquiao ay isang paraan upang ibalik ang boksingero sa itaas.

Kung tutuusin, kahit pa natalo ng dalawang ulit si Pacquiao bago ang laban kay Rios, malaki pa rin ang hatak nito sa  pay-per-view.  At hindi naman kakayanin ni Rios na ilagay ang sarili sa ppv nang ganoon lamang.  Kailangan niya ng masasandalan--si Pacquiao.  Bukod dito, ito ang pinakamalaking bayad para kay Rios.

Kailangan din naman ni Pacquiao si Rios para ma­kabalik sa ‘limelight’.

Galing si Rios sa light welterweight.  At ngayon ay umakyat siya sa welterweight para lamang labanan si Pacquiao. Ang welterweight ang homeground ni Pacquiao.

Malaki ang pagkadehado ni Rios.

Tama.  

Maibabalik nga ng laban na ito si Pacquiao.

ALVARADO

BOB ARUM

BRADLEY

BRANDON RIOS

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

RIOS

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with