^

PSN Opinyon

Pananakit ng leeg

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG pananakit ng leeg ay posibleng may kaugnayan sa masel, nerve at cervical vertebrae. Sa kabutihang palad, maraming dahilan ng pananakit ng leeg ay hindi naman seryoso at maaaring magamot.

Narito ang mga dahilan ng pananakit ng leeg:

1. Hindi maayos na pagtayo at pag-upo. Ang hindi maayos na pagkaka-upo habang nasa harapan ng computer o ang pagkaka-baluktot habang nasa harapan ng iyong ginagawang trabaho, at maling posture ay maaaring makapag-pangalay ng muscle.

2. Pangangalay ng muscle. Sobrang paggamit gaya ng pag-ikot ng ulo, ay maaaring makapag-pangalay sa muscle, gayon din ang pagkiskis ng ngipin (teeth grinding).

3. Pag-edad ng joints. Ang leeg ay nakararanas ng pagkapagod lalo na kung nagkaka-edad, na nagiging dahilan para magkaroon ng osteoarthritis.

4. Pagkaipit ng ugat o nerve. Ito ay nangyayari sa puwang sa may palibot ng neck vertebrae o buto sa leeg. Puwede dahil sa arthritis o sobrang paninigas ng masel dulot ng stress.

5. Pagkapinsala. Ang pagkaka-pinsala sa whiplash, kung ang leeg ay pinatutunog ng paulit-ulit, nababanat ang leeg sa maling galaw.

6. Sakit. Ang pananakit ng leeg ay maaaring sintomas ng sakit gaya ng rheumatoid arthritis o meningitis.

7. Kung minsan ang pananakit ng leeg ay nagpapahiwatig ng seryosong sakit. Kumunsulta agad sa doktor kung makaranas ng mga sumusunod: Pananakit ng iyong balikat pababa sa iyong braso; Pamamanhid o pagkawala ng lakas sa iyong braso at kamay; Pagbabago sa oras at panahon ng pagdumi; at kawalan ng kakayahan na maabot ang dibdib ng baba.

LEEG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with