^

PSN Opinyon

Kidney at UTI

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MGA dapat malaman sa kidney at urinary tract infection (UTI).

1. Ang urinary tract infection (UTI) ay maaring umakyat sa kidneys at makasira nito. Puwede itong magdulot ng kidney failure na mangangailangan ng dialysis.

2. Ang tinatawag na Honeymoon Cystitis ay ang pagkakaroon ng impeksiyon sa ihi na nangyayari pagkatapos ng unang pagtatalik.

3. Mas madalas magkaroon ng UTI ang kababaihan dahil maikli ang daanan ng ihi nila, hindi katulad ng mga kalalakihan.

4. Pagkatapos magtalik, piliting umihi at maglinis din ng puwerta para hindi magkaroon ng impeksiyon.

5. Ang nephrotic syndrome ay isang sakit kung saan ang isang tao ay naglalabas ng protina ang mga kidneys ng pasyente at puwedeng magmanas ang paa at mukha.

6. Kung may sakit sa kidneys, mag-ingat sa high-protein diet tulad ng Southbeach at Atkin’s diet dahil magpapahirap sa trabaho ng kidneys.

7. May 2,000 Pilipino kada taon ang nangangailangan ng dialysis. Kalahati sa kanila ay walang pera para umpisahan ang dialysis.

8. Ang dialysis ay isa sa pinakamahal na gamutan. Aabot ng P3,000 bawat dialysis at P36,000 kada buwan ang gastos.

9. Sa National Kidney Institute, 200 pasyente ang naghihintay­ ng kidney transplant. Ang kidney transplant ay nagka­ka­halaga ng P1.5 million para sa pribadong pasyente at P500,000 sa charity case.

10. Huwag araw-arawin ang pag-inom ng pain relievers dahil makasisira ng kidneys.

11. Umiwas sa mga maaalat na pagkain at sawsawan, dahil nakasasama ito sa kidneys. Bawasan ng toyo, patis, bagoong, alamang at tuyo.

12. Iwasan ang pagkain ng junk foods at sitsirya na maraming vetsin.

13. Kung mahilig sa instant noodles, bawasan ang seaso­ning na inilalagay dito. Kalahati lang ang ilagay para hindi ma­hirapan ang kidneys.

14. Uminom ng walo hanggang 12 basong tubig sa mag­hapon para manatiling malinis ang katawan. Tubig ang gusto ng kidneys.

vuukle comment

UTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with