^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming kabataan hindi pumapasok sa paaralan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming kabataan hindi pumapasok sa paaralan

Maraming problema kaugnay sa mga kabataang estudyante ngayon na hindi marunong sumulat at bumasa. May mga mag-aaral sa Grade 2 na hindi marunong bumasa at sumulat. Dumami umano ang mga batang “no read, no write” habang may pandemya at naging online ang mode ng pagtuturo. Marami umano sa mga hindi makabasa at makasulat ay walang access sa online teaching. Wala silang computer, tablet at iba pang gadget. Hindi naman sila magabayan ng kanilang mga magulang na abala sa pag­hahanapbuhay.

Lubos din namang nakapagtataka ang kahinaang ipinakita ng mga estudyanteng Pilipino sa larangan ng Math, Science at Reading. Sa resulta ng 2022 Prog­ramme for International Student Assessment (PISA), ang mga estudyanteng Pilipino ay nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading. Para makapasa, kailangan ang score ay: 472 sa math; 485 sa science at 476 sa reading. Masyadong mababa ang nakuha ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante ng Singapore, Hong Kong, Japan, Korea, Macao, Ireland, Estonia, Japan, Korea at Chinese Taipei na mataas ang nakuhang puntos.

Ang mas nakaaalarmang balita ngayon kaugnay sa mga kabataan ay ang malaman na 11-milyon sa kanila ang hindi nag-aaral o pumapasok sa eskuwelahan. Napakarami ng bilang na ito at hindi dapat balewalain ng pamahalaan. Sa kabila na libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan, ganito karami ang mga hindi nagsisipag-aral. Nararapat alamin ang tunay na dahilan kung bakit nangyayari ito. Bukod sa libre ang pag-aaral sa public school, marami ang tumatanggap ng 4Ps (Pantawid Para sa Pamilyang Pilipino Program­) kung saan makatatanggap ng ayuda ang mga pamilya habang nag-aaral ang mga anak.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 42.8 milyong Pilipinong edad lima hanggang 24 taon ang natukoy na out-of-school. Batay sa datos, 51.4 percent ng hindi pumapasok sa paaralan ay kalalakihan, habang ang natitirang 48.6 percent ay mga kababaihan.

Nakababahala ang ganitong report na maraming bata o mga kabataan ang hindi pumapasok sa paaralan. Nararapat kumilos ang pamahalaan lalo na ang Depart­ment of Education (DepEd) na mahikayat mag-aral ang mga kabataan lalo ang mga batang anim na taong gulang na dapat ay nasa unang baitang na. Ang gani­t­ong edad ng mga bata ay nararapat marunong nang magsulat, magbasa at magbilang.

Ipaunawa ng DepEd sa mga magulang na libre ang edukasyon para sa mga bata sa pampublikong esku­welahan. Hindi dapat sayangin ang pagkakataon para mapag-aral ang mga anak. Ipaunawa ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with