^

PSN Opinyon

Pulis, kubrador ng ‘intelihensiya

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Isang pulis ang kubrador umano ng protection money ng Ilocos Region police mula sa “pergalan”. Kasabwat ng pulis ang isa pang pulis na may alyas SPO1 MJ.

Ang pulis-kubrador ay pinagkakatiwalaan ni Regional Intelligence Division chief Lt. Col, Mar Louise T. Bundoc. Ito marahil ang dahilan kaya siya ang naatasang mangubra ng lingguhang “intelihensiya” mula Ilocos Norte hanggang Pangasinan?

Kaya ang pakiusap ni Senate Committee on Public Order chairman, Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay hindi sinunod ng pergalan operators sa Region 1—nakasandal sila sa pader.

Matibay ang sandalang pader ng pergalan operators na sina Mr. Tuyoy ng La Union at Mr. Ibasan ng Pangasinan.

Maaring ang pulis na kubrador at kasabwat si “SPO1 MJ” ang may pakana upang mapaniwala si PNP Region 1 Director Brig. Gen. Lou F. Evangelista na ipinasara na ang gambling dens sa buong Region 1.

Bakit naman ganun kabilis maniwala si Evangelista? Mga mamamayan sa Pangasinan at Ilocos Norte ang nakakaalam na pansamantala lamang tumigil ang mga pergalan matapos mabunyag sa Senado ang nangyayaring pangongotong ng pulisya at iba pang grupo.

Ipinangalandakan pa ni Evangelista ang “certifications” ng mga hepe ng station hanggang provincial Commands at pati barangay officials. Totoo kaya ito?

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

MJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with