Drug den ni-raid ng PDEA, 12 arestado
COTABATO CITY, Philippines — Nalambat ang isang drug den operator at naaresto ang 11 na iba pa na naaktuhang sumisinghot ng shabu na nabili sa kanya sa isang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 sa Barangay Fatima sa General Santos City nitong Biyernes.
Sa pahayag nitong Linggo ni Aileen Tan Lovitos, director ng PDEA-12, ang target lang sana ng naturang entrapment operation ay si Jhong Rey Guiang Portugal, ngunit mayroon palang 11 katao sa loob ng isang kuwarto sa kanyang tahanan na nagpa-pot session kaya dinakma na rin sila upang isama sa kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabilhan ng mga PDEA-12 agents ng P81,600 na halaga ng shabu sa naturang entrapment operation si Portugal na nagresulta rin sa pagkaaresto ng 11 niyang mga parokyanong sina Rex Causing Celestial, Analyn Sabondo Portugal, Clint John Elisan Yabut, Roniel Estrada Berones Estrada, Renie Laurente Paras, Jesmo Cabrera Godinez, Mar John Valdez Beloncio, Raymund Paco Vidal, Mark Ian Suico Catig, Lloyd Causing Celestial at Dominic Eridiano Pacquiao.
Makalipas ang dalawang oras, isa pang hinihinalang drug dealer na si Jirwin Pacardo Rendon, ang naaresto matapos magbenta ng P374,340 halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong PDEA-12 agents sa Purok Adlawan sa Barangay Zone 3 sa Koronadal City, ang kabisera ng Region 12.
- Latest