^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sunud-sunod na sunog

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sunud-sunod na sunog

Hindi pa idinideklara ng PAGASA ang tag-init pero sunud-sunod na ang sunog hindi lamang sa Metro­ Manila kundi pati sa probinsiya. Sa Marso 1 ang simula ng Fire Prevention Month pero ngayon pa lamang ay rumaratsada na ang sunog at mayroong namatay at maraming bahay ang natupok. Ngayong Pebrero, nag­karoon na ng siyam na sunog sa Metro Manila na mil­yun-milyong piso ang halaga ng pinsala.

Kahapon, nagkaroon ng sunog sa Perfecto St. Tondo, Maynila at ilang bahay ang natupok. Inaalam pa ang dahilan ng sunog. Wala namang nasaktan. Nag­karoon din ng sunog sa Sta. Mesa, Manila. Anim ang nasugatan.

Noong Pebrero 9, isang 70-anyos na lolo ang na­matay sa sunog na naganap sa Bgy. 96, sa Pasay City. Isang fire volunteer at isang residente naman ang nasugatan. Nagsimula ang sunog na compound na pag-aari ng barangay chairman. Nadamay ang barangay hall, mini grocery at food bar.

Noong Pebrero 14, nagkaroon ng sunog sa New Capitol Estate, Bgy. Batasan, Quezon City kung saan nadamay ang bahay ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil. Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City, alas-8:30 ng gabi ng sumiklab ang sunog.

Noong Pebrero 15, isang sunog ang naganap sa Fugoso St., Sta. Cruz at tinupok ang 50 bahay. Pitong residente ang nasugatan. Nagsimula umano ang sunog­ sa isang bahay sa Fugoso St. Ayon sa BFP, aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan at aabot sa P50,000 ang halaga ng napinsala.

Noong Pebrero 17, nawalan ng tirahan ang 30 pa­milya sa naganap na sunog sa isang residential area sa Pasay City. Ayon sa Bureau of Fire and Protection, nagsimula ang sunog sa bahay sa P. Dandan St., Bgy. 54, Pasay City. Tatlo ang nasugatan at tinatayang P500,000 ang halaga ng pinsala.

Noong Pebrero 18, apat ang nasugatan sa isang sunog na naganap sa A. Santos St., sa Barangay Tumana. Marikina City. Ayon sa Marikina BFP, tina­ta­yang 80 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Magkaroon ng kampanya ang Bureau of Fire Protection para maiwasan ng mamamayan ang sunog. Magbigay ng tips kung paano maiiwasan ang sunog. Huwag nang hintayin pa ang Marso 1 na umpisa ng Fire Prevention Month bago magpaalala sa mamamayan na mag-ingat sa sunog.

Ayon sa PAGASA, titindi pa ang init sa Marso dahil na rin sa El Niño. Nararapat lamang na magkaroon ng paghahanda ang BFP lalo’t bumababa na ang lebel ng tubig sa mga dam. Ang tubig ang pangunahing gamit sa panahon ng sunog.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with