^

PSN Palaro

Wushu, jiu-jitsu, karate ibinalik sa SEA Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Wushu, jiu-jitsu, karate ibinalik sa SEA Games
Agatha Wong during the 30th Southeast Asian Games in Manila
Philstar.com / Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Tatlong sports disciplines ang ibinalik sa ka­lendaryo ng 33rd Southeast Asian Games na idaraos sa susunod na taon sa Bangkok, Thailand.

Ito ay ang wushu, jiu-jitsu at karate na malaki ang kontribusyon sa Team Phi­lippines sa mga nakalipas na edisyon ng SEA Games at Asian Games.

Nakumpirma ang pagbabalik ng tatlong sports sa isang ulat sa Singapore kung saan kabilang din sa ibinalik ang cricket, tenpin bowling at sport climbing.

“The Singapore National Olympic Committee confirmed that the SEA Games Federation has approved the inclusion of tenpin bowling, wushu, sport climbing, ju-jitsu and cricket for the upcoming Games. Karate will also be reinstated to the regional event,” ayon sa ulat ng Singapore Straits Times.

Inaasahang ipopormalisa ang lahat sa susunod na pagpupulong ng lahat ng miyembro ng Southeast Asian Games Federation Council na idaraos nga­yong Oktubre.

“The final program will be officially confirmed after the SEAGF council’s endorsement at their upcoming meeting in late October,” ayon pa sa ulat.

Malakas ang Pilipinas sa jiu-jitsu kung saan nakasungkit ng gintong medalya sina Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa 2023 Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.

Bukod pa rito ang gintong medalya na nakuha nina Marc Alexander Lim at Kaila Napolis noong 2023 SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa kabilang banda, may ginto naman ang Pilipinas sa karate mula kina Sakura Alforte at Jamie Lim sa SEA Games gayundin si Agatha Wong sa wushu.

Inaasahang isusulong naman ng Philippine Olympic Committee na maibalik sa kalendaryo ang weightlifting na isa rin sa mga pinagkukunan ng ginto ng Pilipinas.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with