^

PSN Opinyon

Konstitusyon ilakip sa curriculum

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang pahapyaw kundi malalimang pag-aaral sa Saligang Batas ang kailangan para sa mga estudyante. Dapat gawin itong takdang aralin na magsisimula sa pagtuntong ng estudyante sa high school hanggang kolehiyo. Mas mainam siguro kung sa elementarya pa lang ay unti-unti nang ituro ito sa mga pupils.

Tingin ko, sa ngayon ay tila eksklusibo lang ang kaalaman sa konstitusyon sa mga nag-aaral o nagtapos ng abogasya. Maraming mamamayan ang ignorante rito kaya sa mga debate tungkol dito ay hindi makapaghayag ng solidong tinig.

Sa ngayon, nasisiguro ko na maliban sa mga mag-aaral ng law, kakaunti lang ang mga mamamayang nakauunawa sa Saligang Batas. Sa ganyang paraan, hindi basta-basta mauuto ng mga mambabatas sa tuwing iiral ang kapritsong pulitikal na baguhin ang Konstitusyon.

Sa ngayon dinidinig na ng Senado ang mga sari-saring dahilan ng mga pulitiko kung bakit dapat amyendahan o baguhin ang Konstitusyon. Sabi nga ni Sen. Francis Tolentino, importanteng maunawaan ng mga Pilipino ang historical background ng Saligang Batas.

Maidaragdag ko na hindi lamang sa hearing dapat gawin ito kundi mismong sa edukasyon ng mga kabataan. Iminumungkahi ni Tolentino na magkaroon ng ­constitutional dialog para sa layuning nabanggit. Kung noon pa ay napag-aralan na ng taumbayan ito sa paaralan, hindi na kailangan pa ang ganitong dayalogo.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with