^

PSN Opinyon

Operasyon vs NPA tuloy

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Magpapatuloy ang anti-insurgency operations ng militar laban sa mga rebeldeng komunista. Ito’y sa kabila nang gagawing exploratory talks ng pamahalaan sa mga communist rebels. Ano’ng exploratory talks?

Kapag sinabing “talks” Ito ay isang uri pa rin ng negosasyon.  At dahil naideklara na’ng terorista ang CPP/NPA, labag na sa pandaigdig na batas ang makipagnegosasyon dito. Heto naman ang klaripikasyon ng Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity.

Kakaiba raw ito sa dating peace talks na isinulong ng mga nakaraang administrasyon na nabigo. Walang ipapataw na kondisyon tulad ng tigil putukan o pagpapalaya sa mga nadakip na communist elements.  Hindi ito magiging extension o pagpapatuloy ng mga nabigong negosasyon na ang mga kondisyon ay nilabag lahat ng mga rebeldeng komunista.

Sa pandinig ko, negosasyon pa rin ito sa grupo ng mga itinuturing na terorista ng pamahalaan. Kung gusto ng pamahalaan na makipag-usap sa mga terorista, sige  pero bawiin muna marahil ang deklarasyong sila’y mga terorista at kilalanin muna na ang kanilang political struggle laban sa gobyerno ay balido. Personal ko lang itong obserbasyon.

Pero kung ang layunin ng balak na pag-uusap ay upang himukin ang mga rebelde na magbalik-loob sa lipunan at makipagtulungan sa pagpapaunlad ng bansa, ayos iyan pero may kalabuang mangyari.

Ang mga lokal na komunista ay malugod na tumatangkilik kay Karl Marx na ang prinsipyo at bagsak ang umiiral na sistema upang ang komunismo ang makapamayani.

vuukle comment

CPP/NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with