^

PSN Opinyon

Mas malaking PhilHealth benefit sa 2024

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Asahan na sa susunod na taon, mas malaking benefits ang ibibigay ng PhilHealth sa mga Pilipino. Nakaamba ang pag-aadjust ng mga benefit package para sa mga maoospital na members. Ang guidelines ay nakapaloob sa inilathalang PhilHealth Circular No. 2023-0025.

Tataas ang halos lahat ng mga benepisyo. Ito ay sa kabila ng ‘di mapigilang inflation. Ayaw ng PhilHealth na bumaba ang kalidad ng serbisyo para sa health care kaya’t lalo pang iaangat ang mga ito alinsunod sa Universal Health Care.

Ngayong taon nga ay pinalawak ng PhilHealth ang coverage sa hemodialysis patients. Mula sa dating 90 ses­sions ay naging 156 sessions na. Kamakailan lang, iti­naas din ng PhilHealth ang coverage para sa ischemic stroke mula sa P28,000 naging P76,000. Ang hemorrhagic stroke coverage ay itinaas din mula P38,000 na ginawang P80,000.

Heto pa ang good news: nailathala na rin ang Circular na nagtataas sa coverage para sa pneumonia high-risk. Sa marami kong column, napakarami ko nang naihayag na increased benefit mula sa PhilHealth at marami pang maisusulat sa susunod.

Ang pagtaas sa halaga ng mga benepisyo ay parte ng mandato ng PhilHealth upang higit na makatulong lalo na sa mahihirap. Iyan kasi ang main objective ng programa—ang mabigyan ng kalingang medikal pati mga pulubi. Nagpatupad ang PhilHealth ng case rate payment system na dito’y nag-reimburse ang ahensya ng takdang halaga sa mga espesipikong surgical at medical cases.

Hanggang 30 percent ang magiging adjustment ng PhilHealth case rates sa susunod na taon. Ang epekto nito ay mas mababang gastusin ng pasyente mula sa sariling bulsa. Ang mas malaking halaga siyempre ay sasagutin na ng PhilHealth. At para ibsan ang epekto ng inflation matapos ipatupad ang adjustment, magtatakda ang PhilHealth ng cost sharing mechanism. Dito, ang mga kaakibat na health facilities ay magkaroon ng fixed cost-payment rate bukod sa halagang sasagutin ng PhilHealth. Congrats, PhilHealth and keep up the good work!

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with