^

PSN Opinyon

Traydor o bayani?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BATAY ang pananaw ng isang tao sa tinatayuan niyang bahagi ng pader.

Ang tinuturing na terorista ng isa ay mandirigma ng kala­yaan para sa iba.

Ihalimbawa si Corporal David Fagen ng U.S. Army 24th Infantry Regiment sa Pilipinas nu’ng 1899. Siya ang unang Negrong sundalo na kumabilang panig sa Katipunan. Tat­lum­pung sundalo pa ng tinaguriang Black Regiments ang tumi­walag. Nabuwisit kasi sila sa panlalait ng mga opisyales na Puti, kaya sumapi sa lahing kayumanggi.

Dalawang rason pa kaya sila nag-defect. Binibitay ng mga Puti ang mga Negro sa America nu’ng panahong ‘yon. Nabatid din nila ang hangad ng mga Pilipino sa kasarinlan.

(Binabawal na sa kasalukuyan na tawaging “Negro” o “Black” ang African Americans. Labinlimang puting sundalo­ ang tumiwalag din sa U.S. Army noon dahil sa iba’t ibang rason.)

Sumapi si Fagen sa Katipunan sa Central Luzon ni Hen. Urbano Lacuna. Sa pangkat siya ni Col. Jose Alejandrino. Balita sa mga pahayagang Amerikano noon na nagpakalat si President Emilio Aguinaldo ng polietos: nangangakong tinyente sinumang umanib sa kanya. At naging tinyente nga si Fagen.

Maraming diyaryong nag-ulat ng kagila-gilalas na aksyon ni Fagen. Sinanay niya ang mga Katipunero sa pagge-ge­rilya at pananambang.

Sa isang ulat, tinambangan nila ang dalawang bagon na tig-apat na kabayo; patay lahat ng Amerikano. Sinilaban nila ang mga bagon, at tinambangan ang mga tropang dumating. Ubos muli.

Naglahad si Gen. Frederick Funston ng $600-bounty sa pagdakip kay Fagen. Hindi malinaw kung kay Fagen nga ang naaagnas na ulo sa sako na isinuko sa U.S. Army.

Binitay sa Bicol ang dalawa pang Black defectors: Lewis Russell at Edmond Du Bose. Tatlo ay kinulong habambuhay sa Fort Leavenworth: John Dalrymple, Garth Shores, William Victor. Napatay habang tumatakas si Fred Hunter. Mga traydor sa Amerikano, pero bayani sa Pilipino.

vuukle comment

ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with