^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Bakunahang Bayan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL â Bakunahang Bayan

NAGSIMULA kahapon ang vaccination campaign ng Department of Health (DOH) na tinawag na Bakunahang Bayan. Ang kampanya ay tatagal ng tatlong araw. Kasama sa mga binakunahan at binig­yan ng booster shots sa unang pagkakataon ay ang mga bata. Ayon sa DOH, target nilang mabakunahan ang mga batang edad 5-11 at mabigyan naman ng booster shots ang mga 12-anyos pataas. Target nilang makapagbakuna at makapag-booster sa 50 percent ng mga kabataan.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergiere, para marami ang mabakunahan, magbabahay-bahay na sila para ang mga senior citizens na wala pang bakuna at booster ay mabigyan na. Pati ang mga bata ay babakunahan din sa kanilang pagbabahay-bahay. Sa loob ng tatlong araw na vaccination campaign, naniniwala si Vergiere na maraming mababakunahan.

Para rin daw mahikayat ang marami na magpabakuna, magsi-setup ang DOH ng vaccination sites sa mga palengke, malls, schools, simbahan at iba pang publikong lugar. Lahat daw ay maaaring pumunta at wala nang aalalahaning problema. Wala na ang mga online registration na katulad sa naka­raan. Walk-in na lahat at puwede sa kahit saang vaccination center.

Kung ganito sana ang ginawa ng DOH noon pa, tiyak na marami nang nabakunahan. Dati kasi, ma­rami pang hinihingi ang DOH sa mga babakunahan­ kaya marami ang umaayaw at tinatamad na. Mayroon pa nun na ayaw tanggapin ang walk-in. Kaila­ngan daw ay mag-online registration. Kapag hindi naka-online, hindi babakunahan.

Ang ganitong sistema ang naging dahilan kaya maraming nasayang na bakuna. Hindi nagamit dahil nga walang nagpapabakuna. May pagkukulang ang DOH sa sistema ng pagbibigay ng bakuna.

Ayon mismo sa DOH,  nasa 44 million COVID-19 vaccine doses ang nasayang sa bansa. Napakarami nito. Kung naiturok ito sa mamamayan, wala na sanang problema. Dapat ay noon pa pinagaan ang sistema ng pagbabakuna.

Ngayong may Bakunahang Bayan, sana marami na ang mabakunahan. Maiwasan na sana na mayroong masayang na bakuna. Itodo na ng DOH ang kampanya sa pagbabakuna.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with