Sen. Risa bitter kay Cayetano bilang Senate minority leader?
SI Senador Alan Peter Cayetano na independiyente sa Senado ang napili bilang minority leader. Tila mabigat ito sa loob ni Sen. Rita Hontiveros. May “serious concern” daw siya porke hindi “original member” ng minority si Cayetano. Hindi ba alam ni Sen. Hontiveros na ang dalawang kamara ng Kongreso ay sumusunod sa mga set of rules? Maraming mambabatas na bumubuo sa Kongreso at dapat lang na may mga alituntunin na susundin.
Pinili noong Martes si Cayetano bilang Minority Leader ng Commission on Appointments (CA) na kinabibilangan ng mga miyembro ng House of Representatives at Senate. Kahit hindi nag-oppose si Hontiveros, halatang mabigat ito sa kalooban niya. Sa biglang tingin, mukhang may katwiran si Hontiveros. Sa Senado kasi, ang tinatawag na “Minority” ay binubuo ni Hontiveros bilang Deputy Minority Leader at ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na Minority Leader.
Si Cayetano ay kasama ng kanyang kapatid na si Senador Pia Cayetano na nagdesisyong maging “independent”. Ito ay para malaya silang kumilos at hindi puro lang tutol o protesta ang gagawin.
Pero ang katwiran ni Hontiveros, ang Supreme Court ang nagsabi na ang Senado lang ang maaaring magpasya kung sino ang bubuo ng minority. At ano ang pasya ng Mataas na Kapulungan? Pakinggan natin ang paliwanag ni Cayetano: “Based on the rules of the Senate, if you vote for the Senate President, you are in the majority; if you do not, you are in the minority.”
Iyan ang dahilan kaya napiling Senate Minority Leader si Cayetano sa CA dahil base na mismo sa rules at tradition ng Senate, nasa minority rin siya dahil hindi niya ibinoto si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.
Masama ba ang loob ni Senador Hontiveros dahil hindi siya ang napili? That’s how life goes. Sa isang demokrasiyang buhay na buhay, dapat asahan na minsan ay hindi natin makukuha ang ating gusto.
- Latest