^

PSN Opinyon

Walang disiplina

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Bakit biglang nawala na lang ang mga counter sa ilang malalaking intersection sa Metro Manila? Nataon ito sa pag­papatupad ng No Contact Apprehension Program na sini­mulan ng Quezon City. Malaking tulong ang mga counter dahil nabibigyan ng palugit ang mga motorista kung sakaling hindi na sila aabot sa pagtawid ng intersection o kung ano lang direksyon. Kapag ilang segundo na lang ang natitira, hihinto na lang at hihintayin ang sunod na berdeng ilaw. Ang resulta ay mas maraming motorista ang sumusunod nang maayos sa mga ilaw-trapiko. May pagsusuri sa U.S. na mas maayos na desisyon ang nagagawa ng mga motorista kapag may countdown timer ang intersection.

Pero ngayon, pinatay ang mga counter. Ang nais ba ng MMDA o ng PNP ay mas marami silang mahuling motorista na lumalabag sa ilaw? Bakit? Para may pagkakataon ma­ngikil? Para maging mabango sila sa kanilang mga hepe at marami silang mabigyan ng tiket? Walang paliwanag kung bakit nawala ang mga counter. Kaya mag-ingat na lang sa mga intersection na iyan at mukhang ang pakay ay makahuli, imbis na magtanim ng displina sa mga motorista.

May plano rin ang MMDA na tanggalin ang mga countdown timers sa loob ng dalawang taon at papalitan ng bagong sistema kung saan titingnan ang dami ng sasakyan na dumaraan sa intersection bago palitan ang ilaw. ‘Di ko alam kung mas makakatulong iyan sa traffic sa Metro Manila.

At disiplina rin lang ang pinag-uusapan, kailangan tala­gang matukoy ang labis na kawalan ng disiplina nang maraming naka-motorsiklo. Nag-iisip na nga akong maglagay ng dashcam sa sasakyan para makunan ng video ang mga walang disiplinang taong ito. Madalas naglalabas ng paalala ang MMDA at mga traffic enforcer na kailangang sumunod sa batas-trapiko, kasama na ang pag-alam kung para saan ang mga linya sa kalsada.

Katulad ng solid white line. Ang ibig sabihin ay manatili sa hanay at lumabas lang kapag kinakailangan. Bawal tawiran ang solid white line. May mga traffic enforcer nga na ginagawang hanapbuhay ang mga nahuhuling tumatawid ng solid white line. Anong ginagawa ng mga motorsiklo? Hindi ba tumatawid kahit saan? Hindi ba sila ang madalas mag-counterflow pero kapag kotse ang nag-counterflow huli kaagad?

Hindi lumilipas ang araw na hindi nagkakaroon ng girian sa pagitan ng mga naka-motorsiklo at naka-kotse. Kada­lasan ang dahilan ay ang biglang pagsingit ng mga motorsiklo sa kanang bahagi ng mga kotse. Maiiwasan ang pag-init ng ulo o mga away sa kalsada kung magiging disiplinado ang lahat, maging motorsiklo o kotse.

Kaya sa tingin ko ay hindi dapat pinapatay o tinatanggal muna ang mga countdown timers at malaki naman ang naitutulong nito. Hindi dapat magkatunggali sa lahat ng panahon ang mga drayber at traffic enforcers. Dapat nagtutulungan para magtanim ng disiplina sa lahat ng drayber.

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with