^

PSN Opinyon

Mga pagkaing pangontra sa cancer

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Sa librong Anticancer: A New Way of Life na sinulat ni Dr. David Servan-Schreiber, binanggit niya ang mga pagkain na lumalaban sa cancer:

Luya—Ang luya ay matagal nang ginagamit sa Asia para gamutin ang pagduduwal, pagsusuka, ubo, sipon sakit ng ulo, sakit ng tiyan at arthritis. Ang matinding amoy nito ay nanggagaling sa sangkap na gingerols na nagpa­pagaling sa mga sintomas na nabanggit. May tulong din ang luya sa pagsugpo sa cancer.

Cabbages tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts—Ang mga cabbages (repolyo) ay may sangkap na sulforaphane at indole-3-carbinols na mabi­sang panlaban sa cancer. Sa pagluluto ng gulay, i-steam o lutuin lang ng bahagya na may kasamang olive oil. Huwag pakuluan ang gulay dahil mawawala ang bisa nito laban sa cancer.

Bawang, sibuyas at leeks—Sa pagsusuri, ang mga sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng cancer sa colon, suso, baga at pros­tate. Para maging epektibo, ang bawang ay kaila­ngang durugin at prituhin ng kaunti. Huwag sunugin! Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at naka­hahapdi ito ng sikmura.

Madilaw at mapulang gulay at prutas—Ang mga pagkaing ito ay sagana sa beta-carotene, vitamin A at lyco­pene na maaaring makapigil sa cancer. Kumain nang mara­ming karots, kamote, kalabasa at kamatis (4 Ks). Napakasustansya po nito. Sa isang pagsusuri ng breast cancer patients, napatunayan na ang mga pasyenteng ma­lakas kumain 4Ks ay mas humahaba ang buhay kum­para sa mga hindi kumakain nito.

Green tea—Ang green tea ay may sangkap na catechins, na nagpapabagal sa paglaki ng tumor. Ayon kay Dr. David, painitin ang green tea ng 5-8 minuto, at uminom ng dalawanng baasong green tea bawat araw. Piliin ang green tea na non-caffeinated, para walang side effect.

Pagkaing may curry—Ang dilaw na curry ay mabisang panlaban sa pamamaga ng ugat. Sa pagsusuri, nakatutulong ang curry sa mga taong nagke-chemotherapy para mapabagal ang paglaki ng bukol.

CANCER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with